DOH, muling nakapagtala ng halos isang libong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 975 na karagdagang kaso ng COVID-19.

1,029 naman ang bagong gumaling at 193 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 2,829,618 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ang aktibong kaso naman ay 17,796 at ang total recoveries na ay 2,763,947.

Ang kabuuang binawian ng buhay ay 47,875.

Ayon sa DOH, 2 laboratoryo ang hindi operational noong November 23, 2021 habang 3 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na naauri at 0.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Facebook Comments