Muling nakapagtala ng higit 1,000 karagdagang kaso ng COVID-19 sa buong bansa ang Department of Health (DOH).
Sa inilabas na datos ng DOH, nasa 1,906 ang nadagdag na kaso ng virus kung kaya’t nasa 487,690 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso.
Nasa 20,087 naman ang aktibong kaso ng COVID-19 habang may 8,592 ang bilang ng nadagdag na nakarekober sa virus.
Dahil dito, umaabot na sa 458,198 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
8 ang nadagdag na pumanaw kung saan umaabot na 9,405 ang kabuuang bilang nito.
Nangunguna sa may mataas na bilang ng naitalang karagdagang kaso ay ang Quezon City na may 121, Benguet na may 84, Davao City 82, Cavite 79 at Bulacan na may 75 na bagong kaso.
Facebook Comments