Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 137 na bagong binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.
Sa ngayon, pumalo na ang total deaths sa 9,876 o 1.99%.
2,048 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ay 496,646.
Ang aktibong kaso ay 27,033 o 5.4%.
551 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 459,737 o 92.6%.
Ang Bulacan ang nangunguna ngayon sa may pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19, sumunod ang Davao City, Pangasinan, Manila at Leyte.
Samantala, sa muling pagkakataon, walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na Pilipino sa ibayong dagat na namatay sa COVID-19.
Bunga nito, ang total deaths ay nananatili sa 935.
42 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ay 13,540.
Ang aktibong kaso naman ay 3,988.
32 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 8,617.