DOH, muling nakapagtala ng mahigit 1,000 na lamang na bagong COVID cases sa bansa

Muling nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mahigit isang libo lamang na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.

1,427 ang bagong COVID cases ngayong araw sa bansa habang 3,269 ang bagong gumaling at 79 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, ang total COVID cases na sa bansa ay 3,653,526 kung saan ang aktibong kaso ay bumaba muli sa 58,657.


Ang total recoveries naman ay 3,539,106 at ang total deaths ay 55,763.

Ayon sa DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 19, 2022 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na nasuri at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Facebook Comments