DOH, muling nakapagtala ng mahigit 7,000 na bagong COVID cases sa bansa

22

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health ng 7,450 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

2,382 naman ang bagong gumaling habang 181 ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 1,255,337 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Tumaas naman sa 60,794 ang mga aktibong kaso.

Habang ang kabuuang bilang na ng mga gumaling ay 1,173,006 at ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay ay 21,537.

Facebook Comments