DOH, muling nakapagtala ng malaking bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa bansa

17,138 ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) na gumaling sa COVID-19 sa bansa.

8,767 naman ang bagong tinamaan ng virus habang 105 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 971,049 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ang aktibong kaso ay 107,988 habang ang total recoveries ay 846,691.

Ang total deaths naman ay 16,370.

Facebook Comments