DOH, muling nakapagtala ngayong araw ng mataas na bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa COVID

238 ang naitala ngayong araw ng doh na karagdagang binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

Bunga nito, umaabot na sa 45,272 ang kabuuang binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19.

1,997 naman ang bagong kaso at 1,696 ang bagong gumaling.


Sa ngayon, pumalo na sa 2,815,080 ang kabuuang kaso ng covid-19 sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ay 29,382 at ang kabuuang gumaling na ay 2,740,426.

Facebook Comments