Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na magpaturok ng kanilang second dose ng COVID-19 vaccine para makakuha ng full protection mula sa virus.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi sapat kung magpapaturok lamang para sa unang dose.
Aniya, libre pa rin ang second dose.
Una nang sinabi ng DOH na hindi instant ang full protection dahil kailangan pang mag-produce ng katawan ng antibodies laban sa virus.
Inaabot ng dalawang linggo o higit pa para makamit ang full protection laban sa COVID-19.
Hinimok ng DOH ang mga vaccine recipients na patuloy na sundin ang health protocols kahit nakumpleto na ang two-dose requirement.
Facebook Comments