DOH, naalarma sa pagdagsa ng mga tao sa white sand project sa Manila Bay

Naalarma ang Department of Health (DOH) sa pagdagsa ng mga tao sa Manila Bay para makita ang white sand kahit pa mayroon COVID-19 pandemic.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nawala na ang pinapairal na physical distancing sa pagbubukas ng bahagi ng Manila Bay nitong weekend.

Aniya, maganda ang ganitong uri ng proyekto pero kailangan pa rin ipatupad ang minimum health standards para hindi na kumalat pa ang virus.


Sinabi pa ni Vergeire na ang nangyaring pagbubukas ng Manila Bay noong Sabado at Linggo ay inaasahang tatalakayin ng Inter-Agency Task Force o IATF.

Samantala, nakiusap si Manila Mayor Isko Moreno sa Department of Envrionment and Natural Resources (DENR) na isara muna sa publiko ang bahagi ng Manila Bay na may white sand.

Bukod dito, nakiusap din si Mayor Isko sa lahat na huwag munang magtungo sa Manila Bay lalo na’t may banta pa rin ng COVID-19 sa bansa.

Maging ang Malacañang ay nanawagan sa publiko at sa mga otoridad na pairalin ang physical distancing kung tutungo sa Manila Bay para makita ang white sand project.

Iminungkahi pa ni Roque na kung maari ay bigyan ng tig-limang minuton ang kada 50 katao para mapagbigyan ang mga nais makita ang white sand.

Facebook Comments