DOH, nababahala na may ilang lugar sa bansa ang nakitaan ng mataas na ICU utilization rate

Nababahala ang Department of Health (DOH) sa ilang lugar sa bansa na nakitaan ng mataas na intensive care unit (ICU) utilization rate dahil sa mga kaso ng COVID-19.

Ayon kay Health Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman, ang Western Visayas, Davao Region at Soccsksargen ang mga rehiyong nasa mataas o kritikal ang ICU utilization rate.

Aniya, mayroon din 19 na lugar na kanilang binabantayan dahil mataas ang health care utilization at ICU utilization rate kung saan siyam sa mga ito ang halos mapuno na.


Bahagya rin aniyang tumaas ang average daily cases sa National Capital Region (NCR) nitong nakaraang pitong araw kumpara noong sinundan nitong linggo.

Giit ni De Guzman, kung may dapat na target ang NCR ngayon, ito ay ang maibalik ang kaso kada araw sa bilang na 380 o mas mababa pa.

Facebook Comments