DOH, nababahala sa ‘di pagsunod sa health protocols ngayong campaign period

Nababahala ang Department of Health (DOH) sa hindi pagsunod at pagpapatupad ng health and safety protocols sa panahon ng campaign period.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakakabahala ang mga mass gatherings at malalaking kaganapan ngayong panahon ng kampanya.

Aniya, dapat mahigpit na sinusubaybayan ang mga pagtitipon sa bansa at parusahan ang mga lumalabag.


Ang malawakan aniyang mga paglabag ay nagdadala ng potensyal na panganib ng panibagong pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 lalo na sa mga lugar na may mababang vaccination rate.

Dahil dito, nanawagan ang DOH sa mga kandidato na manguna sa pagsunod sa safety protocols lalo na’t nandyan pa rin ang banta ng virus.

Facebook Comments