DOH, nababahalang mapuno ang mga ospital dahil sa Omicron variant

68

Nagbabala si Health Secretary Francisco Duque III na malaki ang posibilidad na ma-overwhelm ang healthcare system sa bansa bunsod ng Omicron variant.

Base sa datos, lubhang mas nakakahawa ang Omicron variant kumpara sa Delta variant.

Dahil dito, nababahala si Duque na mapuno ang mga ospital sa dami ng magkakasakit dulot ng Omicron kahit ito ay nagdudulot lamang ng mild symptoms.


Kasabay nito, iginiit ng kalihim ang kahalagahan ng pagbabakuna habang hinihintay ang datos sa epekto ng Omicron variant sa COVID-19 vaccines.

Sa ngayon, napatunayang epektibo ang mga available na bakuna laban sa malubhang karamdaman na dala ng COVID-19.

Facebook Comments