Nag-deploy ang Department of Health (DOH) ng iba’t ibang team mula sa Health Emergency Management Bureau (HEMB) at Field Implementation and Coordination Team (FICT) kaugnay ng Pista ng Black Nazarene ngayong araw.
Ayon sa DOH, ang HEMB at FICT ay handang magresponde sa pamamagitan ng pagkakaroon ng designated quick response area sakaling may mga debotong mangailangan.
Katuwang ng DOH ang Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) para matiyak ang kaligtasan ng mga deboto.
Ayon kay Health OIC-Secretary Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire, handa ang kanilang mga tauhan sa ano mang pangangailangan ng mga mananampalataya.
Facebook Comments