Nag-iisip na rin ang Department of Health (DOH) ng mga posibleng insentibo para mahikayat ang mas maraming Pilipino na magpabakuna kontra COVID-19.
Kasunod ito ng mga ginagawang paraan ngayon ng mga lokal na pamahalaan para mapalakas ang vaccination program sa kanilang mga lungsod gaya ng Las Piñas na magpapa-raffle ng house and lot, groceries at motorsiklo.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maglalabas ng guidelines ang gobyernno oras na maisapinal ang datos ukol dito.
Samantala, pinapaigting na rin ng DOH ang education campaign nito para tugunan ang vaccine hesitancy ng mga Pilipino.
Samantala, simula June 1, magbibigay na rin ng discount ang ilang restaurants at retailers sa mga nabakunahan na.
Facebook Comments