Humingi ng dispensa sa publiko ang Department of Health (DOH) matapos nilang ianunsyo na nasa second wave na ng COVID-19 ang Pilipinas.
Ayon kay Dr. Beverly Lorraine Ho, Officer in Charge Director IV for Health Promotion and Communication Service, noong March 31 ang naging peak ng first wave matapos makapagtala ang kagawaran ng 538 COVID cases sa bansa.
Pero nung pumasok aniya ang Abril, bumaba na sa 220 ang COVID cases kaya inanunsyo ng DOH na nag-flatten na ang kurbada.
Bukod dito, isa rin paglilinaw ang ginawa ng DOH sa isa pa nilang pagkakamali nang ianunsyo nila na 35 ang bilang ng healthcare workers na nasawi sa COVID-19.
Paliwanag ng DOH, 31 lamang ang totoong bilang ng healthcare workers na namatay sa COVID-19 sa Pilipinas dahil ang dalawa na unang napaulat ay hindi pala healthcare workers, habang ang dalawang iba pa ay hindi na active sa duty nang bawian ng buhay.
Muli namang pinaalalahanan ng DOH ang publiko na huwag kakalimutan ang kanilang homework o ang itinurong health protocols para makaiwas sa virus.