Umabot na sa 86% ang nagamit ng Department of Health (DOH) sa budget nito para sa pagtugon sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang kabuuang budget ng ahensya para sa COVID-19 response ay nasa ₱51.55 billion, kung saan 89%ay mula sa supplemental budget o sa Bayanihan Act na nagkakahalaga ng ₱45.72 billion.
Mula nitong Agosto, aabot na sa ₱44.57 billion o 86.46%.
Nasa 46% ng ₱44.57 billion ay ginamit ang pondo para sa pabili ng Personal Protective Equipment (PPE), face masks at iba’t ibang gamot.
Nasa ₱15.47 billion ang ginastos para sa laboratory-related commodities kabilang ang testing kits at iba pang supplies na kailangan ng mga laboratoryo.
Facebook Comments