DOH, nagbabala laban sa mga nagbebenta ng Mpox vaccines mula abroad

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga sinasabing nagbebenta ng bakuna kontra Mpox.

Ayon sa DOH, nakarating sa kanila ang ulat na may nagbebenta nito na mula umano sa abroad.

Dahil dito, pinag-iingat ng kagawaran ang publiko na huwag bumili ng bakuna dahil hindi ito dumaan sa mga regulatory agency gaya ng DOH at Food and Drug Administration.


Sabi ng DOH, kailangang ilagay sa maayos na storage gaya ng cold chain facilities ang mga bakuna.

Hindi anila sigurado kung epektibo at ligtas ang mga ibinebentang bakuna ngayon lalo kung hindi naman dumaan sa kanila.

Mainam na lamang aniyang hintayin ang pagdating ng Mpox vaccine sa Pilipinas na legal na binili ng pamahalaan at siguradong epektibo.

Facebook Comments