DOH, nagbabala na lalo pang tataas ang kaso ng COVID sa bansa sa mga susunod na araw sa harap ng pinalawak na contract tracing at testing

Nagbabala ang Department of Health (DOH) na lalo pang tataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa mga susunod na araw.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay sa harap ng pinalawak na COVID testing at contact tracing.

Patuloy rin aniya ang pagbabahay-bahay ng local government officials para matunton ang mga exposed sa COVID positive.


Tiniyak din ni Vergeire na isinasailalim sa isolation at quarantine ang mga na-contact trace na indibidwal para maputol agad ang transmission ng virus.

Samantala, itinanggi ni Vergeire na hinaharang ng DOH ang pagbili ng pribadong sektor ng bakuna.

Aniya, maaari namang pumasok sa tripartite agreement sa gobyerno ang private sector para makabili sila ng bakuna.

Tiniyak din ni Vergeire na lahat ng Pilipino ay mababakunahan dahil karapatan aniya ito ng bawat Pilipino.

Facebook Comments