DOH, nagbabala na nagpapatuloy pa rin ang measles outbreak sa bansa

Nagbabala ang Department of Health (DOH) na hindi pa rin kontrolado ang measles outbreak sa bansa.

Ayon kay DOH Immunization Program Manager Maria Wilda Silva, ongoing pa ang outbreak at karamihan sa mga batang tinamaan nito ay may edad 5 taong gulang pababa.

Bunga nito, magkakaroon ng DOH ng Phase 2 ng bakuna sa measles at bivalent oral poliovirus vaccine (bOPV) sa February 1-28 ng taong ito.


Target aniya nila na mabakunahan sa measles ang mahigit 5.1-million na mga batang Pilipino na may edad 9-59 buwang gulang.

Habang sa bOPV vaccine ay target naman mabakunahan ang mahigit 4.7-million na mga bata na may edad 0-59 months.

Una nang isinagawa ng DOH ang kanilang Phase 1 ng measles vaccination noong October 25 hanggang November 2020 sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments