Nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng pumalo ng 1,000 hanggang 8,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa Oktubre.
Ayon kay Health Officer-in-Charge Usec. Maria Rosario Vergeire, bunga ito ng paggalaw ng mga tao at ang pagluluwag sa pagsusuot ng face mask.
Mabagal din aniya ang pagtaas ng bilang ng mga nagpapabakuna dahil atubili ang publiko na magpa-booster shot.
Nanindigan naman si Vergeire na ang pagluluwag ng pagsusuot ng face mask ay para lamang sa low-risk individuals at sa low-risk settings
Iginiit din ni Vergeire na 70 hanggang 80 porsyento ang naibibigay na proteksyon ng pagsusuot ng face mask.
Facebook Comments