Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa tinatawag na “holiday blues” ngayong Christmas season.
Ayon kay DOH National Mental Health Program Chief Frances Prescilla Cuevas, kahit masaya at maligaya ang maraming tao ngayong panahon ng Kapaskuhan, may ilan ang posibleng makaranas ng pagkabalisa o kalungkutan sa mga ganitong espeksyal na okasyon.
Posibleng maranasan nito ng mga taong mayroong mental conditions tulad ng depression.
Payo ng DOH, siguraduhing malakas ang support system mula sa pamilya at kaibigan ang mga nakakaranas ng depression dahil kung hindi ay posibleng mauwi sa serious complications gaya ng suicide o pagpapakamatay.
Dapat alam din ng lahat kung ang isang tao ay clinically diagnosed ng depression, kabilang na rito ang palaging malungkot, mahina ang self-esteem, ayaw makipaghalubilo o social withdrawal at wala sa sarili.