Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga ospital na gumagamit ng hindi rehistrado at aprubadong COVID-19 test kits.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, posibleng maglabas ng inaccurate data ang mga hindi rehistradong testing kit.
Muling iginit ni Vergeire na may kaakibat na parusa ang sinumang nagbebenta at gumagamit ng instant COVID-19 test kits.
Sinabi naman ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Dr. Eric Domingo na pinag-aaralan pa nila ang paggamit ng rapid test kits para sa COVID-19.
Sa ilalim ng rapid test kits, malalaman na agad ang resulta na hindi kinakailangan ng mahabang proseso sa laboratoryo.
Sa ngayon, gumagamit ang Pilipinas ng PCR-Based test kits na kailangan ng laboratory process upang ma-detect ang specific Coronavirus Strain.