Nagbabala ang Department of Health Ilocos Region sa publiko ukol sa walang reseta at maling pag-inom ng antibiotic na Doxycycline na ginagamit kontra Leptospirosis.
Maaari umanong mawalan ng bisa at hindi tumalab sa mga mikrobyo ang gamot na maaaring magresulta sa matagal na paggaling kapag mali ang pag-inom nito.
Ayon sa tanggapan, nakadepende sa exposure ng isang indibidwal sa tubig baha ang pag-inom nito kaya mahalagang alamin kung anong risk level ang kinabibilangan.
Mainam na komunsulta sa mga health center o magmula sa awtoridad ang anumang reseta at gamot para sa Leptospirosis.
Samantala, ilang lugar sa Pangasinan ang patuloy na nagbibigay ng Doxycycline sa mga kabahayan ng apektadong residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









