DOH, nagbabala sa mga bisyo na may negatibong epekto sa mental health

Nagbabala ang DOH na ang pag-inom ng alak, paninigarilyo o pagvape, at ang paggamit ng droga ay masama sa mental health.

Ayon sa DOH, hindi rin ito nakatutulong sa stress management.

Pinapayuhan din ng DOH ang publiko na piliin ang healthy stress relievers tulad ng sports, pakikinig sa musika, pagpapahinga, at bigyan ng oras ang sarili.

Maaari ring lumapit sa pamilya o sa kaibigan na mapagkakatiwalaan.

At kung higit ng nangangailangan ng gabay, tumawag lamang sa DOH Helpline 1550 at ito ay walang bayad.

Facebook Comments