DOH, nagbabala sa mga gagamit ng booster shot na walang EUA

Nagbabala ang Department of Health sa mga gagamit ng COVID-19 booster shot na walang Emergency Use Authorization (EUA).

Ito ay sa kumakalat na balita na natatanggap ng kagawaran na mga nagpapaturok ng booster shot na wala pang EUA mula sa Food and Drugs Administration (FDA).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang pananagutan ang gobyerno sa posibleng malalang adverse effects na mararanasan ng pasyenteng naturukan nito.


Dagdag pa ni Vergeire, ito rin ay paglabag sa national protocols.

Iginiit din ng DOH na hindi nila iniipit ang suplay ng bakuna sa bansa bagkus ay sinisiguro lang ng kagawaran na ligtas at epektibo ang pagtuturok ng ikatlong dose ng bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments