Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na mag-ingat sa mga penitensyang gagawin nila sa Semana Santa.
Partikular ang pagpapako sa krus at iba pang penitensya upang maiwasan ang tetanus at ang infection sa sugat.
Madalas ding pinapaalala ng DOH ang paghalik sa mga imahen o poon sa mga simbahan dahil maari itong maging daan ng transmission ng virus bagama’t consistent na ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa sa bansa.
Ayon kay Health OIC Maria Rosario Vergeire, marami pa namang pwedeng gawin ang publiko para maipakita ang mga sakripisyo para sa Panginoon.
Facebook Comments