Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa paglipana ng mga pekeng N95 face masks.
Ito ay kausnod na rin ng mataas na demand nito dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo – ang lehitimong N95 mask ay may sertipikasyon mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Aniya, mabilis naman matukoy kung peke ito.
Iginiit ng DOH na hanggang 105 pesos lang dapat ang presyo ng N95 face mask.
Ang sinumang lumabag sa profiteering law ay pwedeng pagmultahin ng hanggang dalawang milyong piso.
Facebook Comments