Nagbabala ang Department Of Health na hindi dapat maging kampante ang National Capital Region (NCR) kahit na mas mababa ang naitalang kaso ng dengue kumpara sa ibang rehiyon.
Ayon kay DOH NCR Assistant Regional Director Maria Paz Corrales nitong huling linggo kasi ng hulyo lumagpas na rin sa alert threshold ang NCR o Metro Manila.
Sa tala ng DOH, mahigit 10,349 na ang kaso ng dengue sa NCR kung saan 45 na ang nasawi.
Ang Quezon City, Maynila at Caloocan ang mga lungsod na may pinakamaraming kaso ng dengue habang mas nakakabahala ang mga kaso sa Muntinlupa at Taguig.
Nabatid na sa buong bansa pang-pito ang NCR sa may pinakamaraming kaso ng dengue kung saan nangunguna ang Region 6, pumangalawa ang Region 4A.
Facebook Comments