Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga sakit na maaaring makuha dahil sa vaping.
Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, posibleng magkaroon ng sakit sa puso at baga, at stroke ang mga gumagamit ng nito.
May vape juice na may lamang nicontine.
Maging sa secondhand vaping o ‘yung paglanghap ng vapor na ibinubuga ng mga vaper ay may masamang epekto.
Nagpaalala ang DOH sa mga nagbebenta at gumagawa ng vape, vape juice at E-cigarettes na kumuha ng license to operate at product registration sa Food and Drug Administration (FDA).
Simula sa Enero, kukumpiskahin at ipapasara ang mga tindahang ilegal na nagbebenta ng mga ito.
Facebook Comments