Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kasunod ito ng muling pagtaas ng kaso ng infection sa ilang bansa sa Asya, North America at Europa o sa Western countries.
Ang pagtanggal ng face mask sa naturang mga bansa ang nakikita ng DOH na dahilan kung bakit muling sumipa ang kaso ng COVID-19 doon.
Kabilang dito ang Slovenia, The Netherlands, Czech Republic at United Kingdom.
Bukod dito ang pagtanggi na magpabakuna ng mga tao sa Western Europe gayundin ang pag-atubili ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak sa gitna ng pagpapatupad ng face-to-face classes doon.
Facebook Comments