Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko sa pagbili ng substandard face masks na ibinebenta online.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga face mask ay dapat tumatalima sa pamantayan ng Food and Drug Administration (FDA) at ng Department of Trade and Industry (DTI).
Importanteng rehistrado at sertipikado ang mga medical supplies para matiyak na ligtas itong gamitin.
Dapat din aniyang maganda ang kalidad ng face masks na sinusuot ng mga health workers dahil kung hindi ay malalagay ang kanilang buhay sa alanganin.
Para hindi magkaubusan ng surgical at N95 face masks, sinabi ni Vergeire na pwedeng gamitin ang cloth mask sa mga taong lalabas ng kanilang bahay.
Maliban sa pagsusuot ng face mask, ipinaalala ng DOH na ugaliing maghugas ng kamay at sundin ang social distancing.