Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko at sa medical professionals laban sa paggamit ng anti-parasitic drug na Ivermectin bilang lunas sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maituturing itong ‘off-label drugs’ kung saan ginawa ito para sa ibang purpose.
Ang Ivermectin ay nakadisenyo para gamutin ang parasitic infections tulad ng kuto at iba pang skin conditions.
Iginiit ni Vergeire, walang siyentipikong basehan na gamot sa COVID-19 ang Ivermectin.
Aniya, maaaring makasama ito sa mga pasyente.
Hindi dapat ito sinusubok hanggang hindi ito inaaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) at ng Ethics Review Board.
Ang Ivermectin ay kasalukuyang pinag-aaralan ng international experts bilang posibleng gamot para sa COVID-19.