DOH, nagbabala sa paggamit ng generator sa loob ng establisyimento

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) na huwag gamitin ang generator sets sa loob ng bahay o establisyimento dahil posibleng magdulot ito ng carbon monoxide poisoning.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi dapat inilalagay ang generator sa mga enclosed areas.

Ang mga generator sets ay dapat inilalagay ng 20-metro ang layo mula sa bahay.


Sinabi naman ni DOH-CALABARZON Director Eduardo Janairo, ang carbon monoxide gas ay colorless at odorless at kayang pumatay na walang babala kapag marami ang nalanghap ng tao.

Payo pa ni Janairo, dapat malayo ito sa mga bintana at pintuan at dapat hindi nakakapasok ang gas sa loob ng bahay.

Ugaliin ding tingnan ang generator sets sa anuang tagas sa exhaust system at maayos itong nagagamit.

Nagbabala rin ang DOH sa publiko na huwag gamitin ang sasakyan bilang portable aircon room.

Facebook Comments