Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko sa paggamit ng toxic school supplies.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – ang school materials na mataas ang lead-content ay may masama at permanenteng epekto sa kalusugan ng mga bata.
Kabilang na rito ang neurological damage, delayed mental at physical development, attention at learning deficiencies, impairment ng cognitive functions ng utak at problema sa pandinig.
Ang matagal na exposure mula sa paglanghap ng cadmium ay magdudulot ng chronic obstructive pulmonary diseases, emphysema at chronic kidney diseases.
Maliit na exposure lang sa mercury ay mareresulta rin ng seryosyong health problems at banta sa development ng sanggol.
Facebook Comments