DOH, nagbabala sa paghahalu-halo ng vaccine brands

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pagtanggap o pagturok ng dalawang magkaibang brand ng COVID-19 vaccine para sa una at pangalawang dose.

Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, wala pa kasing scientific data na ligtas na iturok ang magkaibang brand ng bakuna.

Ang mga bakuna aniya ay may iba’t ibang platforms kaya ang paggamit nito.


Ang AstraZeneca, Gamaleya at Janssen vaccines ay gumagamit ng viral vector habang ang Sinovac at Bharat ay gumagamit ng inactivated virus.

Ang Pfizer-BioNTech ay gumagamit naman ng messenger ribonucleic acid (mRNA).

Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng Vaccine Experts Panel (VEP) ang posibilidad na payagan ang isang tao na mabakunahan ng dalawang magkaibang brand ng COVID-19 vaccines.

Facebook Comments