Tuesday, January 20, 2026

DOH, nagbabala sa pekeng account na nag-eendorso ng mga gamot

Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga pekeng advertisement, social media post, at website na gumagamit ng pangalan ng DOH at mga doktor.

Ito’y upang makapagbenta ng produkto, tulad ng thyroid disease at goiter supplement.

Binibigyang-diin din ng DOH na ang mga produktong ineendorso sa mga naturang account ay walang kaugnayan o pahintulot mula sa kanila o sa mga opisyal nito.

Iginiit ng DOH na nananatili silang neutral o patas at walang anumang ugnayan sa mga negosyo o komersyal na pag-endorso.

Paalala pa ng DOH sa publiko na manatiling mapagmatyag at huwag magbahagi ng hindi beripikadong pahayag na maaaring magdulot na pangamba.

Hinihikayat din ang publiko, lalo na ang mga may karamdaman, na kumuha lamang ng mga impormasyon mula sa mga lehitimong source at platform, tulad ng DOH, kung saan maaaring ma-access ang mga ito sa official social media account ng nasabing kagawaran.

Facebook Comments