
Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga website, social media page, at indibidwal na nagpapanggap na opisyal na kinatawan o bahagi ng ahensya.
Ito ay kasunod ng paglabas ng mga post at advertisement na gumagamit ng pekeng DOH account sa pag-eendorso.
Binibigyang-diin ng DOH na ang mga produktong ineendorso sa mga naturang account ay walang kaugnayan o pahintulot mula sa kagawaran o sa mga opisyal nito.
Muling iginiit ng DOH na nananatili silang neutral at walang anumang ugnayan sa mga negosyo o komersyal na pag-eendorso.
Hinihikayat ang publiko na beripikahin muna ang registration ng isang produkto sa Food and Drug Administration (FDA) sa pamamagitan ng kanilang portal upang matiyak ang kaligtasan.
Facebook Comments









