DOH, nagbabala sa posibleng dengue outbreak pagsapit ng ber months

 

Posibleng umakyat sa 100,000 ang maitatalang kaso ng dengue pagsapit ng ber months.

Sa Malacañang insider, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na tuwing ber months kasi karaniwang tumatama ang malalakas na ulan, na inaasahang sasabayan pa ng La Niña, na gustong-gusto ng mga lamok na may dalang dengue.

Dahil dito ay nangangamba aniya ang Department of Health (DOH) na baka mauwi sa outbreak ang mga kaso ng dengue na naitatala ngayon sa bansa.


Sa ngayon, sabi ng kalihim ay wala pang dengue outbreak sa bansa pero hindi malabong mangyari ito kung tataas sa higit 100,000 ang maitatalang kaso kada taon.

Tiniyak naman ni Herbosa na mabilis na ang pag-detect ng dengue dahil sa isang uri ng rapid test na tutukoy kung may dengue o wala ang isang indibidwal.

Facebook Comments