DOH, nagbabala sa posibleng epekto ng smog na nararanasan sa Metro Manila

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay sa epekto ng smog o usok at fog na nararanasan sa iba’t ibang lugar.

Ito ay sa gitna ng pahayag ng  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na normal ang fog na narararanasan ngayon sa Metro Manila.

Ayon sa PAGASA, epekto lamang ito ng thermal inversion — na nangyayari kapag ang malamig na hangin, ay nananatiling mas malapit sa ibabaw ng lupa kaysa sa mainit na hangin kaya hindi dapat masyadong mabahala ang publiko.


Pero sabi ni DOH Secretary Ted Herbosa, ang naturang smog ay pinagsamang usok at fog na naglalaman ng kombinasyon ng iba’t ibang pollutants sa hangin na maaaring magdulot ng pinsala sa mga baga.

Kaya payo ng kalihim, kung mataas ang smog ay kailangang magsuot ng mask ang publiko dahil sa iba’t ibang air contaminants.

Matatandaang nitong mga nakaraang araw ay nabalutan ng smog ang ilang bahagi ng Metro Manila, kung saan tinawag pa ito ng karamihan na “sea of smog.”

Facebook Comments