Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na linisin ang mga lugar na naiipunan ng tubig.
Sa harap ito ng pingangambahang lalo pang pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa matapos ang pananalasa ng anim na magkakasunod na bagyo.
Partikular na pinaalalahanan ng DOH ang mga rehiyong apektado ng mga nagdaang Bagyong Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel at Pepito.
Nagpaalala rin ang DOH na agad na magpakonsulta kapag nakaranas ng mga sintomas ng dengue.
Una nang iniulat ng DOH na napababa na ng 17% ang kaso ng dengue sa bansa.
Gayunman, tuloy-tuloy ang pangangalap ng DOH ng datos lalo nat pinangangambahang tumaas ang kaso ng dengue sa mga susunod na linggo.
Facebook Comments