Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa mga pekeng One Health Pass website.
Nilinaw ng DOH na iisa lamang ang website ng One Health Pass na maaring ma-access ng publiko.
Wala rin aniya itong bayad at ang kailangan lamang na ihanda ay ang vaccination certificate at antigen test result bago magrehistro.
Una nang nakatanggap ng report ang DOH at ang Bureau of Quarantine hinggil sa mga pekeng One Health Pass website na nanghihingi ng pera sa international travelers.
Ang mga biyahero mula sa iba’t ibang bansa ay obligadong magrehistro sa One Health Pass website, 48 oras bago ang kanilang pagdating sa Pilipinas.
Facebook Comments