DOH, nagbabala sa publiko kaugnay sa paggamit ng Dexamethasone

Photo by Arman SOLDIN / AFP

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag munang bumili ng Dexamethasone para gamitin kontra COVID-19.

Iginiit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pa naman ito napapatunayang nakakagamot sa nasabing sakit.

Una ng sinabi ng Malakanyang na hindi pa matatawag na “miracle pill” sa kabila ng pag-aaral na nakakatulong itong sagipin ang isang critically ill na pasyente.


Nilinaw din ni Vergeire na patuloy pa ring pinag-aaralan ang nasabing gamot kung saan ibinibigay lamang itong pang suporta sa mga severe at critical patients.

Itinanggi rin nito na maaaring mabili ang Dexamethasone sa pamamagitan ng over-the counter dahil kinakailangan pa ng reseta ng doktor.

Facebook Comments