DOH, nagbabala sa publiko sa mga hindi rehistradong COVID vaccines

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag bumili o magpaturok ng COVID-19 vaccines na hindi pa naaaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi magagarantiya ang kaligtasan ng mga gumamit nito dahil hindi rin tiyak kung mabisa ang bakuna.

Maari aniyang mapahamak lamang ang kalusugan ng mga gagamit ng mga bakunang hindi inotorisa ng FDA.


Sinabi ni Vergeire na wala pang natatanggap na anumang application ang FDA mula sa developers para magparehistro ng kanilang COVID-19 candidate vaccines sa bansa.

Hinimok ni Vergeire ang publiko na i-report ang sinumang nagsu-supply ng hindi rehistradong bakuna para mapanagot ang mga ito.

Facebook Comments