Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na ang rapid antigen test kits para sa COVID-19 ay hindi dapat ginagamit sa bahay.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga antigen kits ay hindi pa aprubado para sa home use.
Tanging mga awtorisadong medical professional lamang ang maaaring gumamit nito.
Nagbabala rin si Vergeire sa mga bumibili ng antigen test kits online dahil posibleng maglabas lamang ito ng false results.
Hinikayat ng DOH ang publiko na magtungo sa mga lisensyadong COVID-19 testing laboratories at doon magpa-test.
Facebook Comments