DOH, nagbabala sa publiko sa mga nagpapanggap na contact tracers

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mga scammer na nagpapanggap lamang na contact tracers para makapanloko.

Sa abiso ng DOH, pinag-iingat nila ang publiko at huwag tatanggapin ang tawag mula sa mga indibidwal na nagpapakilalang miyembro ng DOH contact tracing team.

Paglilinaw ng DOH, wala silang sariling contact tracing team.


Huwag din dapat ibigay ang personal information at lalong huwag magbibigay ng pera sa mga taong sinasabing bahagi sila ng contact tracing team ng Local Government Unit (LGU).

Pagtitiyak ng DOH na gagawa sila ng legal action laban sa mga mapagsamantala sa panahon ng pandemya.

Ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ay iniimbestigahan na ang mga nasabing ulat.

Facebook Comments