DOH, nagbabala sa publiko sa posibleng COVID-19 airborne transmission

Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na sundin ang minimum health standards.

Ito ay matapos i-update ng United States Centers for Disease Control and Prevention ang kanilang guidlines kung saan ang virus na nagdudulot ng COVID-19 ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng airborne particles.

Ayon sa DOH, mahalaga ang pagsusuot ng face mask at face shields sa lahat ng oras bilang proteksyon sa COVID-19.


Hindi pa rin dapat isinasantabi physical distancing.

Pero nilinaw ng DOH na kailangan pa ng karagdagang pag-aaral para maberipikang maaaring maipasa ang virus sa pamamagitan ng hangin.

Batay sa mga pag-aaral, ang pagsusuot ng face mask ay kayang bawasan ang transmission ng hanggang 85%, 99% naman kapag sinamahan ng face shields, habang pagpapanatili ng distansya ng isang metro ay kayang bawasan ang risk ng hanggang 80-percent.

Facebook Comments