Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa paggamit ng Ultraviolet o UV lights bilang disinfectant.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaari itong magdulot ng irritation sa mata at balat na maaaring mauwi sa skin cancer.
Aniya, ang UV disinfectant ay angkop lamang sa mga clinic o ospital at mabisa pa ring pang-disinfect ang rubbing alcohol o bleach solutions.
Nagbabala rin ang DOH sa “tuob” o steam inhalation na sinasabing nakakapatay ng COVID-19.
Paliwanag ni Vergeire, maaari itong magdulot ng pagkapaso o pagkasunog ng balat.
Samantala, nagbabala naman si Dr. Jose Bienvenido Leabres sa pag-abuso sa paggamit ng ilegal na droga.
Aniya, kapag bugbog sa droga ang katawan ng isang tao, bumabagsak ang resistensya nito at nagiging prone sa infections at madaling mahawaan ng virus.
Pinayuhan naman ni Dr. Leabres ang mga gumagamit ng drug substance na magpakonsulta sa professional para ma-assess kung kakailanganin nila na madala sa rehabilitation center o sa bahay na lamang.
Nilinaw naman ng DOH na ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay bunga ng pagpapalawak ng testing capacity at pagluwag ng community quarantine.