Manila, Philippines – Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga sakit na makukuha sa tubig o water-borne diseases.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – ang hindi maayos na pag-iimbak ng tubig ay magdudulot ng iba pang sakit.
Aniya, maaari itong pamugaran ng mga lamok at pangitlugan.
Bukod dito, pwede rin itong makontamina ng iba’t-ibang bacteria gaya ng e-coli, hepatitis at iba pa na magdudulot ng acute gastroenteritis at diarrhea.
Paalala ng DOH na takpan ng maayos ang mga water containers.
Facebook Comments