Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay ng food and waterborne diseases tulad ng Cholera, Rotavirus at Typhoid fever.
Ayon sa DOH, dapat maging mapagbantay ang mga magulang sa kanilang mga anak ngayong panahon ng tag-ulan.
Karaniwan kasing nakukuha ang naturang mga sakit sa kontaminadong inuming tubig sa panahon ng tag-ulan.
Madalas kapitan ng nasabing mga sakit ang mga batang may edad 5 pababa.
Kinumpirma naman ng DOH na nakapagtala sila ng mataas na kaso ng Rotavirus sa Region 8, sa nakalipas na tatlo hanggang apat na linggo.
Facebook Comments