DOH, naghahanap ng mga volunteer para sa 3-day National Vaccination Day

38

Nananawagan ang Department of Health (DOH) sa mga volunteer na makibahagi sa tatlong araw na National Vaccination Day laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 30,000 vaccination teams o katumbas ng 160,000 volunteers ang kailangan sa naturang proyekto.

Kabilang aniya sa kanilang mga hinahanap ang mga health screener, vaccinators, post-vaccination monitors at health educators.


Sa National Vaccination Day na isasagawa sa November 29, 30 at December 1, target ng gobyerno na mabakunahan ang 15 milyong Pilipino para mas maabot ang population protection laban sa COVID-19.

Facebook Comments